Survey Muna Tayo
October 2, 2005Got this from a friend’s blog and made me reminisce so I thought why don’t i answer it too:
Why I love UP Diliman
Student Number?
–95-15466… may ibig sabihin daw yung last digits ang alam ko lang yung 95. Until now I was not able to find out the rest.
College? Course?
– CSSP- College of Science and Philosophy na hanggang ngayon ay tinatawag pa ring AS.
Course—Philosophy—bagay na bagay nga raw sa akin.
Nag-shift ka ba/na-kick-out?from what to
what college?
– hindi ako nag-shift o na-kick out. I love Philosophy e =)
Saan ka kumuha ng UPCAT?
– UP Diliman, lalayo pa ba ako e ito malapit sa bahay
Favorite GE subjects?
– GE subject ano nga ba?? Hmmm P.I. 100 siyempre naman High School pa lang maka-Rizal na ako
Favorite PE?
– Judo siyempre naman hanggang ngayon na-aaply ko pa rin kung paano mag-slam pag nadudulas hehe
Name your 4 PEs:
– Defense for Women, Judo, Taekwondo, Advance Judo
Favorite Prof:
– Prof. Rodriguezsiya ang P.E. professor ko except for Taekwondo
– Prof. Lee—grabe ang galing na Prof. (until now gusto ko uliting basahin ang book naming sa Metaphysics)
Pinakasikat na Prof
– Dr. De Castro ilang beses ko siya nakita sa TV para interviewin tungkol sa Ethics
Pinaka-ayaw na GE subject
– ano nga ba?? Nagustuhan ko ang mga GE dahil nakakita ng classmates from ibang college e)
– hmm Math 1 siguro (kaya nga nag Philo para ito lang ang Math subject pero nagustuhan ko siya nung natanggap ko ang classcard ko)
Kumuha ka ba ng Wed or Sat classes?
– once ata Wednesday para afterwards maka-gimik pa at makapag-library
Nakapag-field trip ka ba?
– oo namannaka-abot pa kami Mindoro at side trip sa Puerto Galera (pumunta for group project) haha group project daw o. Saka what an experience to be able to know Mangyans
– saka siyempre makakalimutan ba natin ang pag-akyat ng Mt. Banahaw
Orgs/Frats/Soros?
– UPSCA, probee sa Philosoc hindi ko na pinagpatuloy pa graduate na e
Tambayan?
– siyempre ang tambayan ng Betaku haha (binaliktad na Kubeta) tawag namin nila Lara sa 2nd Floor CR tambayan
– sa Delaney hall kahit paano naman ay naki-gel ako sa fellow UPSCANS
– nakaka miss yung mga guitar sessions sa tambayan
– sa 2nd Floor AS Lobby ayos dun ang lawak
Dorm, boarding house, o bahay?
– bahay.. lapit lang e pero labas masok ako sa dorm (pretending na taga dun din ako para makapasok, minsan para makapanuod ng TV hehe)
Naka-inom ka ba sa Sarah’s o Gulod/ Likha-
Diwa?
– inom?? Ako pa hehe
Paboritong fishball?
– siyempre naman sa Vinzon’s Hall habang hintay ng Philcoa jeep
Me suki ka bang bananaQ vendor?
– si manang siyempre yung sa stairs sa Main Lib
First movie na napanood sa FC?
– Oro Plata Matagrabeng movie ito
First play na napanood mo sa UP?
– play?? Kalimutan ko na title basta dun sa AS 2nd Floor sabi pa nila may mumo dun takot na takot ako habang nanunuod kasi ang dilim saka mamaya jan tabihan ako mumu
Nakapag-date ka ba sa sunken garden? sa lagoon?
– hehe date ba tawag dun.. Sa lagoon grabe may used condom pa kami nakita dun sa stage dun
– sa Sunken usap lang kakatuwa.. kayong dalawa lang makakarinig ng pag-uusap niyo
– sa track and field oval ayus may yumuyugyog pa na car kaming nakita dun saka I love watching the sunset kasi
Name the 5 most coño orgs in UP:
– hay hindi ko alam dahil hindi ako nagjo-join sa mga coño
Magbigay ka ng org in UP na sa tingin
– kulang ata ang question
Name 5 of the coolest orgs/frats/soro in UP:
– siyempre UPSCA Number 1
Mga gusto ko sana mag join before kaso ndi natuloy:
UP Mountaineers, UP Red Cross, nakalimutan ko na iba pa
Napunta ka na ba sa fair?
– oo naman siyempre may mga tumutugtog na bands dun
Ano pinakagusto mong gawin sa UP Fair?
– siyempre kumain habang nanunuod ng mga bands na tumutugtog
May frat/soro bang nag-recruit sa yo?
– yung mga friend ko na ni-recruit nire-recruit ako para may kasama sila pero kasi sorry talaga napansin ko yung mga nire-recruit nila yung tipong feminine pero hindi ako ganun e. Hello high school puro girls na kasama ko pati ba naman sa college??
Saan ka madalas mag-lunch?
– depende saan malapit ang next class pero siyempre beach house, pag na-timing na nasa tambayan sa SC—sa Rodics yung tapsilog nilang ever famous
– sa CASAA yung mga sizzling dun
– sa Philcoa — nagsawa ata ako sa Chowking, McDo at Jollibee
Masaya ba sa UP?
– natural naman kaya hanggang ngayon naluluha ako pag naririnig ang “UP Naming Mahal”
– sumasaya ako pag iniisip ang mga acacia trees ang mga green grass, sunset, paglalakad papuntang next class
– Basta nakakatuwang isipin na walang peer pressure sa UP dahil you learn to let your own self shine
Nakasama ka na ba sa rally?
– oo naman ang UPSCA pa mahilig mag- join sa rally saka siyempre basta tungkol sa Commonwealth Property, sa tuition fee increase.. hay entertaining ang mga rally sa UP e J
Tibak ka ba?
– ako hindi I don’t think I have to go that far
Ilang beses ka bumoto sa student council?
– once ata sorry hindi nga ako naka-vote nung tumakbo si Len e buti na lang nananalo pa rin siya
Nakipagtalo ka na ba sa prof mo about
politics?
– about politics.. I hate politics
Nakita mo na bang tumakbo si Fr. Robert
Reyes?
– oo nman UPSCAN ako e, nasa likod niya kami habang tumatakbo siya
ng student council chair nung freshie
ka?
– I hate politics nga e
Sinamahan ka ba ng parent/s mo nang mag-
enrol ka nung freshie?
– hindi na I’m with friends naman saka ayoko naman na mainip sila sa haba ng pila
Nagtaka ka ba kung saan ang TBA?
– na-warningan na ako ng mga older batch kung ano ibig sabihin niyan bago pa lang pumasok ng UP
Sino first ever nakilala mo sa UP?
– blockmates sa first class ko na 7am
Magkakilala pa rin kayo hanggang ngayon?
– nakaka sad ever since I work wala na sa friendster na lang
Ano first ever class na pinasukan mo sa UP?
– waaa 7-8:30 am na Comm1 class sa 2nd floor AS lagi kong palusot pag late e naabutan ng flag ceremony (kasi nga dapat ka tumigil wherever you are until the Lupang Hinirang finishes)
– grabe super strict ang prof namin sa attendance muntikan pa ako mag-drop dahil nga lagi akong late and 3 lates is one day absent tapos everyday pa ako late patay) Buti na lang nabawi ko naman sa papers
Best clothes mo ba ang suot mo n’ung first
day of classes?
– Hindi. Payo nga sakin ng mga older batch, dapat normal lang kasi obvious na freshie kapag super porma ka
Pinangarap mo rin bang mag-laude nung
freshman ka?
– oo naman… (siyempre magandang ilagay sa resume yun)
E nung graduating ka na?
– yup sabi sa akin candidate for laude daw ako asa naman ako tapos waaaaaa muntikan na talaga e huhu sayang point something na lang e
LOVE LIFE in UP
Nagka-bf/gf ka ba sa UP?
– oo naman until now kami pa rin J
Kanino ka pinaka-patay sa UP?
– sa classmate ko sa Psych 101 nagrerecite ako para mapansin niya hehe
Ikaw ba ay na-devirginize sa UP?
– hindi nuh
Saan ka nag-aabang ng hot babe/men sa UP?
– siyempre naman sa AS (dun mu kasi makikita halos mga nagte-take ng GE subjects from ibang colleges)
– habang naghihintay ng start ng class sa STS
Ilang beses ka nabasted/dineadma ng crush
mo sa UP?
– hmm never ata ako nagpa-obvious sa crush ko
Generally, me love life ka ba?
– 1st and 2nd year wala ako love life kasi masaya na ako kasama si Lenti at magpaka-busy sa ORG activities kasi applicant pa lang ako nun sa ORG
– saka before I just want to be available if ever someone comes along
– tapos 3rd and 4th year ayun I finally meet my boyfriend at proud talaga ako na until now kami pa rin J
Previous Comments
Hehe nga e masyado kong namiss at obvious na until now feel ko pa rin ang memories of my UP days
Pareho pala tayong iskolar ng bayan hehe..
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







ahaha! naaliw talaga ko sa reminiscin' mo
. at ramdam ko kung gano mo ka-miss at gaano kasaya ang college life mo sa UP
. vivid pa'ng memories ah, kahit ata ilang years na nakalipas simula nung nag-graduate ka
. kakatuwa, you make it sound really enjoyable
. sayang, hindi ako dun nag-college. malayo kasi eh. saka since ang gusto ko talaga e eng'g, mas-target ko nun pumasok sa mapua kaso wala kami pera kaya sa state u nlng ako bumagsak, TUP
.
nice memories
God bless
Posted by goldi at October 5, 2005, 9:35 pm